DFA inaalam pa rin kung may itinatayong istraktura sa Panatag Shoal ayon sa Malakanyang

Inihayag ng Palasyo ng Malacanang na patuloy na bineperipika ng Department of Foreign Affairs ang balitang nagbabalak na magtayo ng istraktura ang China sa Panatag Shoal.

Ayon kay Presidential Spokesman Ernesto Abella nasa proseso na ng beripikasyon ang DFA sa nasabing balita dahil ang mga inilalabas na opisyal na pahayag ng China ay hindi naman nagpapahiwatig ng pagtatayo ng istraktura.

Binigyang diin ni Abella na paulit-ulit nang sinabi ni Pangulong Rodrigo Duterte na hindi niya pababayaan ang claims ng Pilipinas sa West Philippine Sea at poprotektahan ang interes ng Pilipinas.

Inihayag ni Abella na gagawin ng Pangulo ang lahat para maging paborable sa Pilipinas ang nasabing usapin.

Matatandaang sinabi ni Pangulong Duterte na wala siyang magagawa kung gustong magtayo ng China sa Disputed area.

“The DFA is in the process of verifying alleged announcements of proposals to build structures in WPS, since these statements do not reflect the official position of PROC. Furthermore, PRRD has repeatedly asserted that RP is not giving up its claims and our entitlements over the area. He has said time and again that he will defend and protect the interests of the Filipino people, and will take necessary action at at a time most fitting and advantageous to us”. – PS Abella

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *