MMDA, magpapatupad ng regulasyon sa window tint ng mga pribadong sasakyan
Balak nang magpatupad ng regulasyon ang Metropolitan Manila Development Authority sa mga window tint ng mga pribadong sasakyan.
Layunin ng nasabing regulasyon ang pagsawata sa mga colorum na sasakyan at para mahikayat rin ang ride-sharing.
Ayon kay MMDA General Manager Tim Orbos, posibleng maipatupad ang nasabing regulasyon sa Hunyo, oras na magkasundo na ang kanilang ahensya, ang Land Transportation Office at Philippine National Police Highway Patrol Group sa polisiya.
Tiniyak niya na walang magaganap na pagbabawal sa paggamit ng window tints, kundi magpapatupad lang sila ng rekomendadong optimum tint grade para sa mga bintana.