Abogado na nameke ng desisyon, tinanggal sa roll of attorneys ng SC

 

Ipinagutos ng Korte Suprema ang pagtanggal sa roll of Attorneys ng pangalan ng isang abogado na nameke ng desisyon ng hukuman.

Sa per curiam decision ng Supreme Court, pinatawan ng disbarment si Atty Carlos P. Rivera dahil sa pagpeke sa desisyon ng korte sa Tuguegarao City na isang grave misconduct at paglabag sa lawyer’s oath.

Immediately executory ang disbarment kay Rivera.

Partikular na  dinaya ng abogado ang desisyon ng Branch 4 ng Tuguegarao RTC sa marriage annullment petition ng kanyang kliyente at  certificate of finality nito.

Ayon pa sa SC, ang ginawa ni Rivera ay criminal falsification at forgery at katumbas ng deceit, malpractice or misconduct in office na sapat na batayan para ma-disbar ito sa ilalim ng Section 27, Rule 38 ng Rules of Court.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *