Driver ng pampublikong sasakyan, sasailalim na sa seminar sa mga driving academy
Sasailalim na sa seminar sa mga driving academy ang mga public utility vehicle driver simula Mayo para maiwasan ang dumaraming aksidente.
Pursigido ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board na disiplinahin ang mga tsuper lalo’t karamihan sa mga aksidente na naitala nitong mga nakaraang buwan ay dahil sa driver’s error.
Ayon sa LTFRB, pwede sanang maiwasan ang mga aksidente kung mayroong tamang kaalaman ang mga tsuper na napatunayan nilang kulang na kulang sa pag-intindi sa basic driving rules and regulations.
Sa oras na hindi pumasa sa mga basic examination gaya ng pagbabasa ng road signs, pagbabawalan ang mga PUV driver na humawak ng manibela o mag-renew ng drivers license.