Hirit ng Mighty Corporation na huwag i-raid ang kanilang warehouse, ibinasura ng Manila RTC
Ibinasura ng Manila Regional Trial Court ang hirit ng Mighty Corporation na palawigin ang pagpigil sa Bureau of Customs na magsagawa ng raid sa kanilang mga warehouse.
Sa resolusyon ng korte, hindi pinagbigyan ni Presiding Judge Noli Diaz ng Manila RTC Branch 39 ang hirit na writ of preliminary injunction ng Mighty Corporation.
Ibinasura rin ng hukuman ang kasong sibil na isinampa ng Mighty Corporation laban sa BOC dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.
Ayon sa Judge, wala silang kapangyarihan na pagbigyan ang hirit ng Mighty Corporation dahil wala sa territorial limits ng Manila RTC ang hinihiling ng Mighty Corporation.
Ang mga inirereklamong hakbang na gustong pigilan ng Mighty ay nasa san Simon, Pampanga kung saan naroon ang kanilang warehouse na nasa labas ng NCR.
Ulat ni : Moira Encina