Inmates o mga nasa piitan, ikinukonsiderang kabilang sa 20 milyong pinakamahihirap na mga Pilipino, ayon sa DOH
Batay sa datos ng Department of Health o DOH, tumataas ang insidente ng HIV positive sa mga inmate na kailangang bigyan ng atensiyong medikal.
Ang mga inmate ay itinuturing ng kagawaran ng kalusugan na kabilang sa dalawampung milyong pinakamahihirap na mga Pilipino sa bansa.
Ayon kay Health Secretary Paulyn Ubial, maaari pang dumami ang kaso ng HIV sa loob ng piitan kung kaya mahalagang ito ay maagapan.
Ang pagkakatuklas na ito ng DOH ay matapos ang kanilang patuloy na ginagawang libreng check-up sa 20 milyong pinakamahihirap na Pilipino sa bansa.
Ulat ni: Anabelle Surara
Please follow and like us: