Disbarment complaint vs. Ombudsman Morales, ibinasura ng Korte Suprema
Ibinasura ng Korte Suprema ang disbarment complaint na inihain laban kay Ombudsman Conchita Carpio-Morales dahil sa kawalan ng merito.
Nanindigan ang Korte Suprema sa mga nauna nitong desisyon sa mga kaparehong kaso na kung required na maging abogado ang isang impeachable officer ay hindi ito maaring ipa- disbar habang ito ay nakaupo sa pwesto gaya ng Ombudsman.
Iginiit ng Supreme Court na ang Ombudsman ay maari lang patalsikin sa pwesto sa pamamagitan ng impeachent alinsunod sa Saligang Batas.
Ang disbarment case ay isinampa ni dating Manila Councilor Greco Belgica laban kay Morales dahil sa pag-abswelto kay Pangulong Aquino sa kontrobersiyal na disbursement acceleration program.
Ulat ni: Moira Encina