UN hindi pabor na pababain ang edad ng kriminal
Inalmahan ng United Nations ang plano ng mga mambabatas na pababain ang edad ng mga ituturing na kriminal.
Sa kanilang sulat kay Senate President Aquilino Pimentel III at House Speaker Pantaleon Alvarez Jr, na pirmado ni Marta Santos-Pals, ang UN Special Representative of the Secretary-General on Violence Against Children, iginiit ng UN na dapat pagtuunan na lamang ng pansin ng mga mambabatas ang pag-improve sa implementasyon ng Juvenile Justice and Welfare Act.
Anila, may mga negatibong dulot ang pagpapababa ng edad na kakasuhan ng krimen.
Pangunahin dito ang pagbibigay ng karapatan sa isang batana makapag-aral at ang pagkakaroon ng negatibong epekto sa kaniyang kapaligiran.
Magugunitang isinusulong sa Kongreso ang planong pagpapababa ng edad na kakasuhan para mabawasan ang nagaganap na krimen sa bansa na kinasasangkutan ng mga kabataan.