Bangsamoro Coordinating Council, inilunsad bilang pagsuporta sa BBL
Mas pinalawig pa ng Bangsamoro Transition Commission ang sakop ng Bangsamoro Basic Law o BBL sa pamamagitan ng pagbuo ng panibagong draft .
Ito ay sa pangunguna ng One Bangsamoro Movement kaya nabuo ang Bangsamoro National Coordinating Council na sumusuporta sa BBL.
Nagkaisa ang ibat ibang Muslim leaders na kinabibilangan ng mga malalaking grupo mula sa Southern Luzon, Nothern Luzon, Central luzon at ilang representante mula sa Mindanao kabilang rin ang ilan mula sa Muslim Community Business Sector.
Layunin nilang ipakita at ipahayag ang pagsuporta kay Pangulong Duterte sa usaping pangkapayapaan sa Mindanao na dekada nang inaasam.
Nais ng grupo na pagkaisahin ang lahat ng Muslim sa Pilipinas at pagsuporta sa Federalismo.
Suportado rin nila ang nais ni Pangulong Duterte na mag appoint na lamang ng Barangay officials.
Aminado rin ang grupo na naiinip na ang karamihan sa kanila dahil sa mabagal na pagkilos ng gobyerno sa usapin ng BBL.
Hindi naman sila titigil sa pakikipag-ugnayan at hihikayatin nila ang lahat na magkaisa para matuldukan na ang kaguluhan sa Mindanao.
Ulat ni: Gerald Ranez