China may nakapending na request sa Pilipinas para magsagawa ng survey sa Benham Rise
Desidido ang China na magsagawa ng maritime research at survey sa Benham Rise.
Sa kabila ito ng kanilang request noong 2015 at 2016 na ibinasura ng Department of Foreign Affairs.
Katunayan, sinabi ni acting Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo na may nakapending na request ang China para makapagsagawa ng pag-aaral sa naturang isla.
Pero patuloy pa aniyang pinag-aaralan ng DFA ang request ng China at dedepende pa ito kung makakasunod sa hinihinging requirements ng gobyerno.
Sa ilalim ng umiiral na patakaran, kailangang humingi ng pahintulot ang sinumang bansa na nagnanais na magsagawa ng survey o marine seismic study sa mga isla ng Pilipinas batay sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS na hindi sinunod ng China kaya na deny ang kanilang naunang dalawang request.
Kinumpirma ni Manalo na nagpadala ng note verbale ang Pilipinas sa Beijing para linawin ang papel ng cCinese ships na namataan sa Benham Rise.
Nagpadala naman aniya ng reply ang China at sinabing nirerepesto nito ang sovereign rights ng Pilipinas sa Benham Rise.
Ulat ni: Mean Corvera