Nangikil sa basketball superstar na si Kiefer Ravena, sasampahan na ng kaso
Nakitaan ng probable cause ni Quezon City Inquest Prosecutor Bienvenido Ocampo para malitis sa mga kasong robbery extortion at paglabag sa anti photo and video voyeurism law ang bank employee na nangikil sa basketball superstar na si Kiefer Ravena.
Ngunit ipinaliwanag ni Ocampo sa panig nina Ravena at respondent na si Kristoffer Ng na ang kanyang rekomendasyon ay pag aaralan pa ng City Chief Prosecutor.
Magugunita na nagkaroon ng pag-uusap sina Ravena at Ng sa pamamagitan ng viber.
Sa sinumpaang salaysay ng basketbolista nagpakilalang fan niya si Ng at ito ay nagpapadala ng mga malalaswang larawan.
Pinagbantaan ni Ng si Ravena na ikakalat ang mga malalaswang larawan nito kung hindi magbibigay ng ₱ 25,000.
Noong Miyerkules naaresto sa isang entrapment operation si Ng sa Eastwood City matapos magreklamo si Ravena sa PNP Anti-Cybercrime Group.