PNP at AFP inoobligang protektahan si Pang. Duterte at dating Pang. Aquino sa mga kalaban ng Estado
Walang karapatan ang National Democratic Front na ipaaresto sa kasalukyang administrasyon si dating Pangulong Noynoy Aquino III at ang ilang dating mga opisyal ng gobyernodahil sa umanoy paglabag sa karapatang pantao kaugnay ng marahas na dispersal sa mga nagprotestang magsasaka sa North Cotabato noong April 1 ng nakaraang taon.
Ito ang iginiit ni Senador Panfilo Lacson sa hirit ng NDF na ipaaresto si Aquino at ilan pang kasangkot sa umanoy marahas na dispersal kabilang na sina North Cotabato Gov. Emmylou Taliño-Mendoza, Kidapawan City Mayor Joseph Evangelista, North Cotabato Rep. Nancy Catamco at ilang military at Police officials na nagsagawa ng marahas na dispersal sa kanilang protesta.
Paalala ni Lacson, nakasaad sa batas na tanging ang korte lamang ang may karapatan na magpa-aresto sa isang indibidual at hindi ang NDF.
Sa halip iginiit ni Lacson na ang dapat arestuhin ay ang mga miyembro ng CPP-NPA-NDF na nagsasagawa ng pananambang sa mga sundalo na napapaslang ng walang kalaban-laban.
Kasabay nito hinimok ni Lacson ang Armed Forces at Philippine National Police na protektahan ang Pangulo, si Aquino at mga opisyal ng gobyerno sa mga kalaban ng Estado
Ulat ni: Mean Corvera