Paggagawad ng pardon sa mga nakapatay kay Mayor Espinosa, karapatan ng Pangulo – PNP Chief
Hindi mapipigilan ng pulisya si Pangulong Rodrigo Duterte kung gagawaran niya ng pardon ang mga pulis na sangkot sa pagpatay kay Albuera, Leyte Mayor Rolando Espinosa.
Ayon kay PNP Chief Ronald dela Rosa, nasa kamay naman ng Pangulo ang pagpapasya ng paggawad ng pardon sa mga pinaniniwalaan niyang ginawa ang kanilang trabaho.
Gayunman, sinabi ni dela Rosa na susuportahan niya ang desisyon ng PNP Internal Affairs Service na dumaan sa due process laban kay Criminal and Investigation and Detection Group Region 8 (CIDG-8) Director Superintendent Marvin Marcos, at 18 pang pulis.
Dagdag pa ng PNP Chief tungkulin nilang usigin ang mga nagkakamali.