Emergency powers bilang solusyon sa problema sa traffic inaasahang maipapasa na ng Senado sa Hunyo
Umaasa si Senadora Grace Poe na maipapasa nila sa Senado ang hinihinging emergency powers ng Pangulo para maibsan ang masikip na trapik sa Metro Manila at iba pang lugar sa bansa bago magsara ang 17th Congress sa Hunyo.
Ayon kay Poe, principal sponsor ng Traffic and Congestion Crisis Act, sa kanilang pagbabalik sesyon sa Mayo matapos ang anim na linggong session break, ay isasara na ang period of interpellation sa kanyang panukala at umaasa siyang dalawang linggo bago magsara ang 17th Congress ay kanila na itong mapagtitibay.
Giit ni Poe, long overdue na ang paghihirap ng mga commuters sa matinding trapik.
Dahil dito ang anuman aniyang tangkang pag-delay para maresolba ang problema sa traffic ay maituturing na pagkakait ng basic rights para sa maayos na serbisyo sa publiko.
Ginagarantiyahan ng Senadora na bagaman nauunawaan niyang marapat bigyan ng emergency powers ang Pangulo para sa pagresolba sa trapik, tinitiyak naman niya na FOI complaint ito, fiscally responsible at may kaukulang deadline.
Naninindigan si Poe na dapat nang maipasa ang panukala, kaya nga tinawag itong emergency powers para tuldukan na ang hirap na nararanasan sa matinding traffic at negatibong epektibo nito sa ekonomiya ng bansa.
Ulat ni : Mean Corvera