DILG Sec. Mike Sueno, sinibak ni Pangulong Duterte
Tinanggal na sa puwesto si Department of Interior and Local Government Secretary Ismael Sueno matapos na mawalan ng tiwala at kumpiyansa sa kanya si Pangulong Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na ginawa ng Pangulo ang pagsibak kay Sueno sa naganap na cabinet meeting kagabi.
Si Sueno ay una nang inakusahan ng corruption ng kanyang tatlong undersecretaries na sina John Castriciones, Jesus Hinlo at Emily Padilla.
Inakusahan din si Sueno na nagpayaman habang nasa puwesrto.
Ang dating South Cotabato Governor ay inappoint ni Pangulong Duterte sa DILG noong 2016.
Please follow and like us: