Flexible working hours para sa gov’t employees na tutugon sa traffic problem, pinapaaral ng Malacanang sa MMDA
Ipinauubaya na ng Malacañang sa Metro Manila Development Authority (MMDA) ang pag-aaral sa panukalang flexible working hours para sa government workers para matugunan ang problema sa matinding trapiko lalo sa Metro Manila.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella, bahagi ito ng paghahanap ng gobyerno ng praktikal na mga solusyon para maibsan ang traffic situation sa Metro Manila.
Ayon kay Abella, hihintayin nila ang resulta ng pag-aaral ng MMDA sa flexi-time proposal at ang kanilang magiging rekomendasyon.
Sa ngayon, mistulang wala pa ring pagbabago sa daloy ng trapiko lalo’t hindi pa naipapasa sa Kongreso ang panukalang emergency powers para kay Pangulong Rodrigo Duterte sa pagresolba ng problema sa trapiko sa bansa.
“On the proposed flexible working hours for government workers to address traffic. Government is looking for practical solutions to ease the traffic situation in Metro Manila. One of the proposals is to have flexible working hours for government officials and employees. The Metro Manila Development Authority (MMDA) is studying this flexi-time proposal as a measure and will give its recommendation soon “. – Abella