JOMA Sison, malayang makakauwi ng Pilipinas – Duterte
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte si CPP-NPA-NDF founding chairman Jose Maria Sison na umuwi na lamang sa Pilipinas lalo pa’t may sakit na ito.
Ginawa ng Pangulo ang pahayag bago ang paglagda ng interim ceasefire agreement ng gobyerno at National Democratic Front (NDF) sa 4th round ng formal peace talks sa The Netherlands.
Sinabi ni Pangulong Duterte, malayang makakauwi ng Pilipinas si Sison at walang aaresto sa kanya.
Inulit ng Pangulo ang kanyang kondisyon sa pagpapatuloy ng peace talks at paglagda ng bilateral ceasefire agreement.
Kabilang dito ang pagtigil ng mga komunista sa koleksyon o pagkikil ng revolutionary tax at huwag mang-angkin ng teritoryo sa loob ng bansa.
“So ‘yung land reforms suportado ko hanggang ngayon and I just had a talk with the, just before pababa dito, Dureza and Bello called me. May ganon ganon nag-usap sila. Sabi ko you know you tell Sison because he is sick, he’s very sick. He can come home. I’ll give him a free… freedom of movement. I will not arrest him. I’ll even pay for his facilitation kung gusto niya”. –President Duterte