Pagkakadawit ni DILG Sec. Sueno sa umano’y anomalya inimbestigahan ng Pangulo
Naniniwala ang ilang Senador na kaalyado ng Pangulo na dumaan sa masusing imbestigasyon nito bago sinibak si outgoing DILG Secretary Ismael Sueno.
Katunayan, sinabi ni Senate Majority Leader Vicente Sotto na matagal niya nang alam na sisibakin ito ng Pangulo.
Nabanggit na ito ng Pangulo sa kanya at isa pang opisyal na hindi nito pinangalanan noong bumiyahe sila sa Myanmar at Cambodia dalawang linggo na ang nakalilipas.
May mga binanggit na dahilan ang Pangulo pero tumanggi si Sotto na idetalye ito sa media dahil ipinapalagay nyang isang executive session ang naging pag-uusap nila noon ng Pangulo.
Pero nakatitiyak siyang anuman ang impormasyong ipinarating sa Pangulo hinggil sa mga umanoy katiwaliang kinasasangkutan ni Sueno, dumaan ito sa validation ng Pangulo.
Paalala ni sSotto, ang Pangulo ay isang prosecutor na sanay sa pagtimbang ng mga ebidensya.
“Ang tingin ko vinalidate pa niya I smell a whip sabi niya yun pero vina-validate niya yun 2 weeks ago pa ang biyahe naming.. (byahe sa Myanmar). You must remember the president is a prosecutor sanay mag imbestiga yun asking people before he acts on any report.”. –Sen. Sotto
Ulat ni: Mean Corvera