AFP inatasan ni Pang. Duterte na okupahan ang mga islang inaangkin ng Pilipinas sa South China Sea
Naglabas ng kautusan ni Pangulong Duterte para okupahan ng mga sundalong Pilipino ang lahat ng mga teritoryo na inaangkin ng Pilipinas sa South China Sea.
Sinabi ng Pangulo na siya mismo ay personal na magtutungo sa PAGASA sa Spratly group of Island para doon isagawa ang flag raising ceremony sa June 12 Independence day celebration.
Ayon sa Pangulo nais niyang ipakita na hindi niya papayagan na angkinin ng iba ang mga islang nasa teritoryo ng bansa sa South China sea.
Magugunitang ang China ang nagsasagawa ng pangangamkam ng mga isla sa South China Sea na teritoryo ng Pilipinas.
Ulat ni: Vic Somintac
Please follow and like us: