Tatlong British arestado ng NBI dahil sa investment fraud sa Cavite

Inaresto ng NBI ang tatlong British Nationals na nasa likod ng operasyon ng investment fraud sa Carmona,Cavite.

Ito ay matapos salakayin NBI sa bisa ng search warrant ang opisina ng Plustel Solutions, Incorporated sa Brgy. Maduya, Carmona, Cavite.

Kinilala ang mga hinuling dayuhan  na sina Andrew Robson, Graham Allan Bennet at Dominic Whellams.

Kasama rin sa mga natimbog ang 35 pinoy na nagtatrabaho sa Plustel na nahuling  nagbebenta ng securities.

Ayon sa NBI, nag-aalok o nagbebenta ang mga suspek ng mga non-existent bonds, securities, debentures at iba pa sa mga prospective investor sa engineering, oil and gas and manufacturing industry.

Tatawagan ng mga tauhan ng Plustel ang isang prospective investor at sa sandaling makita na may kakayanang mamuhunan sa Pilipinas ay saka nila pupuwersahin na bumili ng mga peke at non-existent na bonds at iba pa.

Kinumpirma naman ng Securities and Exchange Commission sa NBI na walang otoridad  ang Plustel na magbenta o mag-alok ng securities.

Sumalang na sa  inquest proceedings ang 38 indibidwal kung saan ipinagharap sila ng reklamong paglabag sa securities regulation code in relation to the cybercrime prevention act of 2012.

Dinala rin sa NBI headquarers ang 172 na kawani  ng Plustel na nagtratrabaho bilang data miners, qualifiers at verifiers para sa imbestigasyon.

Ulat ni: Moira Encina

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *