Mga inilikas na residente ng Batangas, nananatili sa mga evacuation center

Hindi pa rin pinababalik sa kani kanilang mga tahanan ang mga residenteng inilikas sa Barangay Gamao sa Tingloy Island, Batangas bunsod ng nagpapatuloy na pagtala ng mga pagyanig sa nasabing lalawigan.

Sa panayam ng programang Feedback sinabi ni NDRRMC spokesperson Romina Marasigan , mananatili sa mga itinalagang evacuation center ang mga inilikas na residente hanggat hindi pa humuhupa ang mga naitatalang pagyanig.

Sa ngayon aniya ay nakikipagtulungan ang NDRRMC sa iba pang mga ahensya ng pamahalaanpara  pagkalooban ng tulong ang mga apektadong residente.

Samantala , nagpapasalamat ang ahensya na walang naitalang major damage o mga nasawi sa mga naramdamang pagyanig.

Inaasahan naman na mababawasan ang mga magtutungo sa Batangas ngayong bakasyon sa takot na magkaroon pa ng mga aftershock.

Kasabay nito pinaalalahanan ni Marasigan ang publiko na maging alerto para matiyak ang kaligtasan ng bawat isa.

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *