Pananatili ng mataas na satisfaction rating ni Pang. Duterte sa SWS survey ikinatuwa ng Malakanyang
Magsisilbing inspirasyon ang pananatiling mataas ang net satisfaction rating ni Pangulong Duterte sa pinakahuling survey ng Social Weather Stations o SWS.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na pinapahalagahan ng Pangulo ang patuloy na pagtitiwala ng publiko kaya lalong magpupursige ang administrasyon na pagibayuhin ang pagtratrabaho upang matupad ang mga pagbabago sa pamahalaan.
Ayon kay Abella bagaman hindi prioridad ng Pangulo ang magpapogi sa publiko lalong gaganahan ang Chief Executive na ituloy ang laban kontra ilegal na droga, kriminalidad at korapsyon.
Batay sa pinakahuling SWS survey na ginanap noong March 25 hanggang 28 nakapagtala ang Pangulo ng very good +63 points satisfaction rating.
Ang first quarter satisfaction rating ng Pangulo ngayon Marso ay kaparehas ng kanyang naitalang net satisfaction rating noong last quarter ng December 2016 na +63 points.
Ulat ni: Vic Somintac