CA, pinagtibay ang hatol kay US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton
Pinagtibay ng Court of Appeals ang hatol na guilty laban kay US Lance Corporal Joseph Scott Pemberton dahil sa pagpatay kay Jeffrey “Jennifer” Laude noong 2014.
Ito ay matapos ibasura ng CA special sixteenth division ang petisyon ni Pemberton dahil sa kawalan ng merito.
Matatandaan na ang amerikano ay sinentensiyahan ng Olongapo Regional Trial Court ng anim hanggang labing dalawang taon na pagkakakulong noong December 2015.
Sa kanyang petisyon sa CA , sinabi ni Pemberton na ipinagtanggol lamang niya ang kanyang dignidad at respeto sa sarili dahil sa umano’y pangmomolestya sa kanya ni Laude.
Pero ayon sa Appellate Court, walang anomang unlawful agression na makakapag-justify sa pagpaslang nito kay Laude.
Hindi rin pinaniwalaan ng CAang depensa ni Pemberton na nanganganib ang kanyang buhay at tinawag itong imaginary.
Kasabay nito, inatasan ngCA si Pemberton na bayaran ang mga kaanak ni Laude ng 4.2 million pesos dahil sa nawalang kita, 30 thousand pesos para sa exemplary damages at 155, 250 pesos para sa actual damages.
Ulat ni: Moira Encina