Mga suspek sa rent-tangay scam naghain ng kontra-salaysay sa DOJ
Naghain ng karagdagang kontra-salaysay sa DOJ ang mga suspek sa car rental scam na rent -tangay na nahaharap sa reklamong large-scale estafa.
Ayon kay Assistant State Prosecutor Aristotle Reyes, isa sa mga piskal na may hawak sa kaso, nagsumite ng kanyang dagdag na counter-affidavit si Rafaela Anunciacion sa 18 iba pang reklamo na isinampa laban sa kanya na kabilang sa first batch.
Una na siyang naghain ng pitong counter affidavit sa DOJ panel noong March 31.
Kasabay nito, naghain ng limang kontra salaysay ang isa pang pangunahing suspek sa modus na si Tychicus Nambio para sa first batch ng mga reklamo laban sa kanya.
Ilan pa sa ipinagharap ng reklamong large-scale estafa sina Marilou Cruz, Bienvenido Cruz, Roberto Cruz, Jeffrey Reyes, Edgardo Ramos, Alfredo Ronuillo, Ravenal Quizon, Eleanor Constantino Rosales, at Lorena Adriano.
Samantala nakatanggap din ang DOJ ng karagdagang dalawamput dalawang reklamo laban sa mga suspek mula sa PNP Highway Patrol Group.
Itinakda ang susunod na pagdinig sa April 17.
Hindi pa nagpapatawag ng preliminary investigation ang DOJ sa mga isinampang reklamo naman ng NBI na syndicated estafa at carnapping laban sa mga nabanggit na suspek.
Ulat ni: Moira Encina