Chacha hindi itutuloy ni Pang. Duterte hanggat walang peace agreement sa NPA, MNLF at MILF
Inihayag ni Pangulong Duterte na walang magaganap na Charter Change o CHACHA hanggat walang nalalagdaang usapang pangkapayapaan ang gobyerno, New Peoples Army, Moro National Liberation Front at Moro Islamic Liberation Front.
Sinabi ng Pangulo na bagaman nilagdaan na niya ang Executive Order number 10 noong pang December 7, 2016 para sa pagbuo ng 25 men member Consultative Committee na mag-aaral at magrerekomenda sa kongreso ng mga probisyon ng Saligang Batas na aamyendahan hindi parin mapasimulan hanggat walang peace agreement sa NPA, MNLF at MILF.
Ayon sa Pangulo ginawa niyang pre-condition ang peace agreement sa NPA, MNLF at MILF bago galawin ang Saligang Batas.
Naniniwala ang Pangulo na kung walang peace agreement sa NPA, MNLF at MILF mawawalan ng saysay ang pagamyenda sa konstitusyon dahil dito ibabatay ang pagpasok ng bansa sa Federal form of government.
Ulat ni: Vic Somintac