Pagtaas ng sweldo, pangunahing inaalala ng mga Pinoy- Pulse Asia
Lumilitaw sa isang survey na ang pangunahing inaalala ng mga Pilipino ay ang pagtaas ng sweldo, pag-kontrol sa presyo ng mga bilihin at paglikha ng marami pang trabaho.
Batay ito sa pinakahuling Pulse Asia survey na isinagawa noong March 15 hanggang 20 na mula sa isanlibo dalawandaang (1,200) respondents.
Apatnapu’t tatlong porsiyento ng mga tinanong ang nagsabing ang mataas na sweldo pa rin ang pangunahin nilang inaalala.
Apatnapu’t isang porsyento naman ang nagsabing inaalala nila ang presyo ng mga bilihin at 39 percent sa paglikha ng mga trabaho.
Pasok din sa mga inaalala ng mga Pinoy ang pagsugpo sa katiwalian, 31 percent sa kriminalidad, 28 percent sa kahirapan at 27 percent ay para sa kapayapaan ng bansa.