Safe emergency shelter, ipinapatukoy ng Senado sa mga LGU
Hinimok ni Senadora Nancy Binay ang Local Government Units na tukuyin ang mga open space sa kanilang nasasakupan na maaring maging temporary shelter kapag nagkaroon ng malakas na lindol o mga kaso ng emergency.
Sa harap ito ng sunod sunod na lindol na tumama sa Batangas, Eastern Samar at Davao Oriental.
Ayon kay Binay, mahalaga ito sa mga matataong lugar o highly urbanized areas kabilang na ang Metro Manila.
Kinakalampag rin ng mambabatas ang LGU’s na magsagawa ng quake assesment checklist sa mga bahay at business establishment para malaman kung ligtas sakaling magkaroon ng pagyanig.
Mahalaga rin aniyang magkaroon ng regular na earthquake drill at information campaign para mabigyan ng tamang impormasyon ang publiko at maiwasan ang pagpa panic kapag nagkakaroon ng kalamidad.
Ulat ni: Mean Corvera