Karagdagang 341 immigration employees idedeploy ngayong long holiday sa NAIA
Mahigit tatlong daang immigration employees ang idadagdag sa NAIA ngayong long holiday.
Ayon kay Immigration Commissioner Jaime Morente, kabuuang 341 employees mula sa main office ng BI ang idideploy sa NAIA by batch bilang mga standby reserve na tutulong sa mga pasaherong dadagsa kung kinakailangan.
Parte ito ng contingency measure ng BI sakaling lumobo ang dami ng pasahero sa apat na araw na holiday.
Sinabi ni Morente na inatasan niya ang mga nasabing standby employees na magreport sa NAIA simula Miyerkules hanggang Linggo.
Inihayag pa ng opisyal na kumonti na ang bilang ng mga absent na immigration officer.
Marami rin sa mga inatasan niyang immigration officers na magsisilbing dagdag pwersa sa NAIA ay tumugon sa kanyang direktiba.
Dahil dito ay kapansin-pansin din na hindi na ganoong mahaba ang pila ng mga pasahero sa immigration areas sa mga nakalipas na araw.
Ulat ni: Moira Encina