Mga pasahero sa Bus Terminals, dagsa na
Dagsa na sa mga bus terminal sa Pasay City ang mga pasaherong uuwi sa Kanilang mga probinsya para doon gugulin ang long weekend.
Fully-booked na at punuan na ang mga biyahe sa terminal.
Karamihan sa mga pasahero ay nagpa-book na ilang linggo pa lamang bago ang kanilang biyahe.
May mga pulis din na ipinakalat ang National Capital Region Police Office sa mga bus terminal para matiyak ang kaligtasan ng mga pasahero.
Wala pa naman silang naitatalang untoward incidents sa mga terminal sa Pasay Mula noong Lunes.
Hindi aniya bababa sa tatlong pulis ang itinalaga sa bawat terminal sa Lungsod upang masigurong ligtas ang mga biyahero.
Nagpapasalamat naman ang mga pasahero sa MMDA dahil hindi itinuloy ang paglilipat ng temporary terminal para sa mga bus na byaheng Southern Luzon.
Tapos nang gawin ang bagong terminal na nasa Macapagal Boulevard sa Pasay pero hindi pa naaayos ang modification plan para sa mga maaapektuhang bus kaya ipinagpaliban ang paglilipat.
Ulat ni: Paolo Macahilas