Militar at Pulisya pinapurihan ng Malakanyang sa operasyon laban sa Abu Sayaff group sa lalawigan ng Bohol
Kinilala ng Malakanyang ang kabayanihan ng tatlong sundalo at isang pulis na napatay sa pakikipagsagupa sa bandidong grupong Abu Sayaff sa Bohol.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella dahil sa maagap na hakbang ng militar at pulisya nabulilyaso ang plano ng Abu Sayaff group na mahasik ng karahasan sa Bohol at iba pang lugar sa Central Visayas.
Ayon kay Abella makakaasa ng tulong ng pamahalaan ang mga pamilyang naulila ng mga sundalo at pulis.
Inihayag ni Abella na hindi dapat na matakot ang publiko sa banta ng mga terorista dahil nakabantay ang mga security personnel ng pamahalaan.
Nanawagan naman ang Malakanyang sa publiko na makipagtulungan sa mga otoridad upang agad na masawata ang anomang banta ng mga terrorista.
Ang enkuwentro ng tropa ng pamahalaan sa Abu Sayaff group ay kasunod ng intelligence report mula US embassy na mayroon banta ng terorismo sa Central Visayas Region.
Ulat ni: Vic Somintac