PET inatasan ang kampo nina BBM at VP Robredo na magbayad ng mahigit ₱81M para umusad ang election protest
Pinagbabayad ng Korte Suprema na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal ang kampo nina dating Senador Bongbong Marcos at Vice-President Leni Robredo ng 81.46 million pesos para umusad ang kanilang election protest.
Sa resolusyon ng PET noong March 21 pero noong April 10 lamang natanggap nina Marcos, sinabi na ang nabanggit na halaga ay gagamitin para sa retrieval ng mga ballot boxes at mga election document sa mga kinukwestyong presinto nina Marcos at Robredo.
Kabuuang 66.02 million pesos ang pinababayad ng PET kay Marcos para sa poll protest nito habang 15.44 million pesos naman kay Robredo para naman sa counter-protest nito.
Ang deadline sa bayad sa unang installment para sa dalawang kampo ay sa biyernes, April 14 pero dahil ito ay national holiday ito ay iniurong sa susunod na working day na April 17, Lunes.
Ang ikalawang installment ay kailangang mabayaran sa July 14.
Dapat magbayad si Marcos ng 33.02 million pesos sa unang installment habang 30 million pesos sa ikalawang installment.
Obligado naman si Robredo na magbayad ng 8 million pesos sa unang installment at 7.44 million pesos sa second installment.
Kinukwestyon ni Marcos ang resulta ng Vice Presidential elections sa 39,221 clustered precincts habang 8,042 clustered precincts ang kinukwestyon ni Robredo sa kanyang counter-protest.
Ulat ni : Moira Encina