Kampo ni BBM inapela sa Korte Suprema ang 66 millionpesos na pinababayad dito para sa kanyang election protest
Naghain ang kampo ni dating Senador Bongbong Marcos ng motion for reconsideration sa Korte Suprema kaugnay sa mahigit 66 million pesos na pinagbabayad dito para umusad ang kanyang electoral protest laban kay Vice -President Leni Robredo.
Ayon sa tagapagsalita ni Marcos na si Atty. Victor Rodriguez, hiniling nila sa Supreme Court na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal na gamitin nitong batayan para sa computation ng halagang babayaran ng dating Senador ang clustered precints sa halip na ang basehan ay ang mga traditional precints.
Ito ay dahil automated na ang sistema ng eleksyon sa bansa at hindi na manu-manong botohan.
Inihayag naman ng abogado ni Marcos na si George Garcia na nagulat at nadismaya ang kanyang kliyente nang malaman ang resolusyon ng PET noong Martes.
Long holiday ngayong linggo at hindi madaling i-produce ang 33 million pesos na unang installment na kailangang mabayaran ni Marcos hanggang sa Lunes, April 17.
Iginiit nina Rodriguez na nadismaya sila dahil sa sinadyang inipit ang paglalabas ng resolusyon na noon pang March 21 inisyu pero nitong Lunes lamang nila natanggap ang kopya.
Ulat ni: Moira Encina