PNP-NCRPO walang namo-monitor na terror threat sa M. Mla
Walang namomonitor na terror threat sa Metro Manila ang National Capital Region Police Office.
Ayon kay NCRPO Chief Oscar Albayalde tinitingnan nila ang posibleng presensiya ng mga miyembro ng threat groups.
Sinabi ni Albayalde na ngayong summer vacation, nag deploy sila ng 12,500 na mga unipormadong tauhan sa mga seaport, airport, bus terminal at iba pang lugar na pinupuntahan ng mga tao.
Nakatakda namang inspeksyunin ni Albayalde ang deployment ng mga tauhan at ang presensiya ng police assistance desk sa nasabing mga lugar.
Please follow and like us: