Isa sa bawat tatlong kabataan nakaranas na ng pre-marital sex ayon sa POPCOM
Batay sa resulta ng pag aaral na ginawa ng Commission on Population sa mga tinatawag na millenials, isa sa bawat tatlong kabataang edad 15-19 ay nakaranas ng premarital sex bago pa man sila sumapit sa edad 20.
Ayon kay Dr. Juan Antonio Perez III, Executive Director ng POPCOM, lumabas sa ginawa nilang regional studies na kabilang sa mga risk factor ng maagang pagbubuntis ng kabataan ay maagang exposure sa internet sa murang edad, paninigarilyo, pag inom ng alak, paggamit ng droga atang mga ito ay tinatawag na non sexual risk factor.
Lumabas din sa pag aaral na madalas ang premarital sex ay nagaganap sa bahay.. sa dorm, at madalas, ang mga kabataang ito ay hindi handa, kung kaya wala silang ginagawang preventive measures para hindi magbuntis, o dapuan ng HIV at maging ng sexually transmitted disease.
Lahat ng ito ay nakasasama sa sitwasyong pangkalusugan ng kabataan at dahil dito, marami ang maagang nabubuntis.
Binigyang diin na may mga hakbangin namang ginagawa ang POPCOM katuwang ang ilang NGO’s para mapababa ang suliranin ng teenage pregnancy.
Sinabi pa ni Perez na malaking elemento ng populasyon ang kabataan, 25% ito na nangangailangan ng tamang atensyon mula sa kanilang mga magulang at mga guro sa paaralan.
Kailangan aniyang magtulungan para mabawasan ang bilang ng mga kabataang nagiging ina sa mura o batang edad pa lang.
Dagdag pa ni Perez, bawat taon 209 libo o mahigit 10% ng mga nanganganak ng mga kabataan ay mababa sa 20 taong gulang.
Ulat ni: Anabelle Surara