Visayas at Mindanao, uulanin ayon sa PAGASA
Nagbabala ang PAGASA na maaari pang magkaroon ng malalakas na pagbuhos ng ulan sa Visayas at Mindanao kahit terminated na ang flood alert na inilabas kanina.
Ayon sa PAGASA, magpapatuloy pa ang ulan sa Visayas at Mindanao, habang papalapit ang low pressure area (LPA).
Huli itong namataan sa layong 575 km Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Kaninang madaling araw ay nakapagtala ng higit sa normal na buhos ng ulan sa Davao Oriental, Surigao del Sur at Agusan del Sur.
Habang asahan din ang ulan sa Compostela Valley, Davao del Norte, Davao City, Bukidnon, Misamis Occidental, Lanao del Norte, Zamboanga del Norte, Zamboanga City, Surigao del Norte, kasama na ang Dinagat Islands, North Cotabato at South Cotabato.