JBC, naghahanap na ng papalit ng mababakanteng pwesto sa SC at Sandiganbayan
Binuksan na ng Judicial and Bar Council o JBC ang paghahanap ng mga papalit sa magreretirong sina Supreme Court Associate Justice Jose Mendoza at Sandiganbayan Justice Maria Cristina Cornejo.
Ayon sa JBC ang deadline para sa paghahain ng aplikasyon o rekomendasyon at kumpletong documentary requirements ay sa Mayo 23 .
Si Mendoza ay nakatakdang umalis sa hudikatura matapos na umabot sa mandatory retirement age na 70 sa august 13 habang si Cornejo ay maagang magreretiro matapos na aprubahan ng Supreme Court ang kanyang disability retirement noong isang buwan.
Si Cornejo ay naka sick leave simula pa noong June 2016 matapos na ma-diagnose na may lupus, hypertension, kidney problem , colon cancer at cerebrovascular disease.