Resolusyon para maipamahagi na ang mga nakatiwangwang na housing units isusulong ng Senado at Kamara
Naghain na si Negros Occidental Representative Alfredo Benitez ng resolusyon para bigyan ng otorisasyon ang National Housing Authority para mai-award ang mga housing units ng mga sundalo at pulis sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
Kasunod ito ng report ng NHA na umaabot pa sa mahigit 55 thousand na housing units ang natapos na pero hindi pa tinitirhan ng mga benificiaries.
Kasama sa mga benipisyaryo ng naturang pabahay ang tatlo sa may pinakamababang ranggo sa militar at pulisya.
Kabilang na rito ang AFP, PNP, Bureau of Fire Protection, Bureau of Jail Management and Penology at Bureau of Corrections.
Sa resolusyon, maaring mai-award ang pabahay sa mga public school teachers na malapit sa lugar at papasa sa mga guidelines ng nha.
Pero hindi ito ibibigay ng libre kundi babayaran pa rin para mabawi ang nagastos ng gobyerno sa pagpapatayo ng pabahay.
Noong 2013 at 2014, naglaan ang kongreso ng mahigit 11 billion pesos sa ilalim ng general appropriations act para tustusan ang housing program ng military at police personnel.
“The NHA may instead identify alternative beneficiaries and beneficiary-specific sites such as in the case of public school teachers living within the area, employees in the local government concerned where the housing units are constructed, barangay employees and functionaries and informal settlers who could all benefit from the unoccupied housing units”. –Cong. Benitez
Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo