Malakanyang hindi natitinag sa SWS survey na bumaba ang bilang ng mga Pinoy na kuntento sa anti drug campaign ng administrasyon
Hindi ikinababahala ng Malakanyang ang sinasabing bumaba ang bilang ng mga Pinoy na kontento sa anti drug campaign ni Pangulong Duterte.
Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella nananatiling mataas ang satisfaction rating ng Duterte administration sa anti drug campaign sa kabila ng mga banat ng mga kritiko.
Ayon kay Abella ang 78 percent na satisfaction rating ng Duterte administration sa anti drug campaign ay kahayagan pa rin na mayorya sa mga Pinoy ay naniniwala sa adhikain ng Pangulo na linisin ang bansa sa epekto ng salot na droga.
Inihayag ni Abella dapat ding tignan ng mga kritiko ng administrasyon na 70 percent ng mga Pinoy ay naniniwalang seryoso ang pamahalaan na lutasin ang sinasabing extra judicial killings na kaakibat ng anti drug campaign sa pamamagitan ng paglilinis sa hanay ng kapulisan.
Iginiit ni Abella na hindi tatantanan ni Pangulong Duterte ang mga sindikato ng droga hanggang sa katapusan ng kanyang termino upang maisalba ang susunod na henerasyon sa masamang epekto ng droga bagay na naiintindihan ng nakararaming mamamayan.
Ulat ni: Vic Somintac