Bagong Sandiganbayan Justice itinalaga ni Pangulong Duterte

Nagtalaga si Pangulong Duterte ng bagong mahistrado sa Sandiganbayan.

Sa transmittal letter ng Malacanang na ipinadala sa Korte Suprema, si Taguig Regional Trial Court Executive Judge Lorifel Pahimna ang napiling  kapalit ni Sandiganbayan Justice Napoleon Inoturan na nagretiro noong Agosto ng nakaraang taon.

Si Pahimna ang nagpalabas noon ng TRO  laban sa patuloy na pag-eere ng political ads na bumabatikos sa noon ay Presidential Candidate na si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Ang TRO na may bisa ng 72 oras o tatlong araw ay inilabas

Inisyu ni Pahimna ang TRO noong May 6, 2016 ilang araw bago ang eleksyon sa May 9.

Ulat ni: Moira Encina

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *