Ilang opisyal ng NBI nadawit sa Jee Ick Joo slay, inabswelto ng DOJ

Inabswelto ng DOJ ang ilang  opisyal ng NBI na idinadawit sa kaso ng pagdukot at pagpatay kay Jee Ick Joo.

Ang mga ito ay sina Dating NBI NCR Director Rick Diaz, Dating Deputy Director Justo Yap at Dating NBI Anti Illegal Drugs Task Force Chief Roel Bolivar.

Ayon sa resolusyon ng DOJ , walang probable cause para kasuhan ng special complex crime ng kidnapping with homicide sina Diaz, Yap at Bolivar.

Ang tatlo ay sinampahan ng reklamo ng PNP Anti Kidnapping Group batay sa salaysay ni Supt. Rafael Dumlao.

Ibinasura rin ng DOJ ang kasong obstruction of justice na inihain ng NBI laban kay Supt. Allan Macapagal dahil sa kawalan ng ebidensya.

Ang reklamo laban kay Macapagal ay nag-ugat naman ng pagsalakay na ginawa ng PNP-AKG sa Gream Funeral Parlor na pinagdalhan ng bangkay ni Jee kung saan sinasabing nakita ang golf set na pag-aari ng Koreanong biktima.

Inabswelto rin ng DOJ sa kaso ang mga empleyado ng Gream Funeral na sina: Ephephany Gotera, Teodelito Taripe, Robert John Tobias, Kevin Enriquez at Bernardo Maraya Jr na tumanggap sa bangkay ni Jee nang ito ay dalhin doon ng gabi ng Octoner 18, 2016.

Hindi kumbinsido ang DOJ na mayroong kriminal na pananagutan ang mga empleyado ng funeral homes dahil ginampanan lamang naman nila ang kanilang regular na trabaho at sumunod sa utos ng kanilang amo na si Gerardo Santiago.

Ulat ni: Moira Encina

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *