Taktika sa anti illegal drugs operations inirekomendang baguhin na

Hinihikayat ni Senador Panfilo Lacson ang Philippine National Police at Philippine Drug Enforcement Agency na baguhin na ang taktika sa kampanya laban sa illegal na droga.

Ginawa ni Lacson ang pahayag matapos na lumabas sa latest Social Weather Station survey na  bumaba ang bilang ng mga kuntento sa war on drugs ng pamahalaan.

Lumabas din sa survey na dumadami na ang nagpapahayag ng pangamba na posibleng madamay sila o susunod na biktima ng summary killings kahit hindi gumagamit ng ipinagbabawal na droga.

Naniniwala si Lacson na nagsisimula ng umabot sa saturation point ng publiko ang ginagamit na taktika ng gobyerno sa paglaban sa illegal na droga

Tila napapagod na aniya ang  taumbayan sa paulit ulit na modus operandi ng summary killings sa pamamagitan ng riding in tandem at iba pang kahalintulad na pamamaraan ng pagpatay sa mga drugs suspect.

Kailangan ring  magpakita ng solusyon sa mga naitalang kaso ng mga death under investigation.

Ulat ni: Mean Corvera

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *