Nangyaring bus tragedy sa Nueva Ecija paiimbestigahan sa Kamara

Maghahain ng resolusyon si Quezon City Cong. Alfred Vargas para paimbestigahan sa Kamara ang pagkahulog sa bangin ng Leomarick bus na ikinamatay ng mahigit tatlumpu.

Ayon kay Vargas, nakakapagtaka kung bakit hindi matapos ang matagal nang problema sa ilang pampasaherong bus gayong ilang aksidente na ang kinasangkutan ng tinaguriang rolling coffins kabilang ang Bestlink bus tragedy sa Tanay.

Kinuwestyon ng kongresista kung bakit hindi maalis sa kalsada ang mga bus na hindi ligtas bumiyahe para sana naiiwasan ang disgrasya.

Ang nangyaring aksidente kahapon ay nagpapakita lamang na hindi epektibo ang mga polisiyang ipinatutupad ng sektor ng transportasyon sa mga pampublikong sasakyan.

Sinabi ni Vargas na kung hindi matutugunan ang isyung ito ay tiyak na mauulit at mauulit ang kahalintulad na trahedya.

 

Umaasa ang mambabatas na bibigyang prayoridad ng Kongreso ang usaping ito sa pagbabalik ng sesyon sa Mayo.

Ulat ni: Madelyn Villar – Moratillo

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *