Mahigit 45,000 manggagawa na-regular na sa trabaho ayon sa DOLE
Mahigit apatnaput-limang libo na ang mga manggagawang naregular sa trabaho bunsod ng patuloy na kampanya ng pamahalaan laban sa endo.
Inihayag ni Labor Secretary Silvestre Bello III na kabuuang 45,605 na mga manggagawa ang naging regular sa trabaho mula Hulyo ng taong 2016 hanggang Marso ngayong taon.
Tiwala ang kalihim na matapos na magkabisa ang bagong Department Order na nagbabawal sa labor-only contracting at iba pang uri ng iligal na pangongontrata ay madaragdagan pa ang bilang ng manggagawang gagawing regular ngayong taon.
Kaugnay nito inatasan ni Bello si Labor Undersecretary Joel Maglunsod na pamunuan ang grupo na binubuo ng labor compliance officers at mga kinatawan mula sa manggagawa at employer na magsasagawa ng inspeksiyon sa mahigit na 90,000 establishments.
Layunin nito na matiyak ang pagsunod ng mga kumpanya sa pamantayan sa paggawa at sa mga umiiral na batas-paggawa.
Ulat ni: Moira Encina