World immunization week, ipagdiriwang sa huling linggo ng Abril

#Vaccines Work, ito ang tema ng pagdiriwang ng World Immunization Week sa huling linggo ng buwang kasalukuyan.

Naglalayon ang nabanggit na selebrasyon na paigtingin pang lalo kamulatan ng tao tungkol sa  kahalagahan ng bakuna sa lahat ng edad.

Kabilang sa mahahalagang bakuna ay ang flu vaccines.

Ayon kay Dr. Cecilia Montalban, Presidente ng Philippine Foundation for Vaccination,  mainam na magbakuna laban sa flu o trangkaso ang mga elderly, mga  nagdadalang tao,  at mga pasyenteng may chronic medical conditions tulad ng diabetes,  sakit sa puso,  kidney failure, at sakit sa baga.

Rekomendado rin  ang bakunang nabanggit para sa mga caregivers, health care workers  at  sa mga taong ang trabaho ay maaring magdulot ng trangkaso gaya halimbawa ng mga responders kapag may disasters sa bansa.

Tiniyak din ni Montalban na ligtas ang flu shots sa mga nagdadalang tao at nahahdlangan din nito ang pagdapo ng kumplikasyon.

Samantala, batay naman sa datos mula sa DOH National Center for Disease Prevention and Control, isa sa bawat isang daang Pilipino ay  dinadapuan ng influenza o trangkaso  kada taon.

Ulat ni: Anabelle Surara

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *