Pangulong Duterte hindi nakadalo sa flag raising ceremony sa Luneta para sa 119 Independence Day celebration dahil sa puyat

digo

Courtesy of Wikipedia.org

 

Kinumpirma ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na dahil sa matinding puyat kaya hindi nakadalo si Pangulong Rodrigo Duterte sa flag raising ceremony sa Rizal Park sa Luneta kaugnay ng pagdiriwang ng ika-119 na anibersaryo ng kalayaan ng Pilipinas.

Sinabi ni Secretary Cayetano na tinutukan ng Pangulo ang mga kaganapan sa Marawi City at binisita pa ang mga sugatang sundalo sa Cagayan de Oro saka tumuloy sa Villamor Air base para dumalo sa burol ng 8 sa 13 Marines na napatay ng teroristang Maute group sa Marawi City.

Ayon kay Cayetano inabot ng madaling araw ang Pangulo sa Villamor Air base kaya hindi niya nagawang makagising ng maaga para sa events sa Luneta.

Tiniyak naman ni Cayetano na walang sakit ang Pangulo kundi napuyat lamang ito kaya ipinaubaya na lamang kay Vice President Leni Robredo ang pangunguna sa okasyon sa Luneta.

Ulat ni: Vic Somintac

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *