China niyanig ng magnitude 7.0 na lindol, 13 patay 175 sugatan
LabingtaTlo na ang patay at mahigit 175 ang sugatan sa magnitude 7.0 na lindol sa China.
Ayon sa US Geological Survey, ang lindol ay tumama sa magkaka-hiwalay na lugar 200 km (120 miles) hilagang-kanluran ng siyudad ng Guangyuan sa lalim na 10km (6 miles) kung saan malapit ang tourist destination na Jiuzhaigou.
Ayon sa Gobyerno ng Sichuan, 100 ang na-trap dulot ng landslide na dulot ng lindol.
Anim na turista ang kabilang sa mga nasawi sa nangyaring paglindol.
Humigit-kumulang 31, 500 naman ang lumikas.
Ayon sa Sichuan fire service , gumuho ang isang reception area ng isang hotel kung saan ay mayroong ilang na-trap.
Mapayapa namang nakalabas ang 2,800 na tao sa building.
Ang sentro ng lindol ay ang Ngawa Prefecture kung saan karamihan sa mga residente ay Ethnic Tibetans.
Ulat ni: Lynn Shayne Fetizanan