Uber maraming nilabag na kautusan ng LTFRB – Atty. Lizada
Nanindigan ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board o LTFRB na maraming paglabag na ginawa ang transport network company na Uber sa kanilang mga kautusan.
Sa panayam ng Issue Ngayon sinabi ni LTFRB Board Member at Spokesperson Atty. Aileen Lizada na isa na rito ang hindi na dapat tumanggap at mag proseso ng mga bagong miyembro ang uber.
“We will crosscheck ang kanilang listahan sa aming listahan kasi they give already there masterlist , but now we know na kaya pala ng uber na magdagdag ng hindi dumadaan sa opisina nila. So the board will discuss how to go about this”. – Atty. Lizada
Aniya kung tutuusin kanselasyon ng accreditation ang parusa sa patuloy na paglabag ng Uber sa kanilang kautusan na itigil muna ang pagproseso ng karagdagang aplikante sa kanilang sistema.
Subalit dahil aniya sa isinasa-alang alang nila ang kapakanan ng mga mananakay ay pinagaan na lamang ito sa suspension.
Kaya naman muling iginiit ni Lizada na tuloy pa rin ang suspensyon na ipinataw sa Uber matapos na ibasura ng LTFRB ang motion for reconsideration na inihain ng kumpanya.
“Kasi sila ang nakikita nila ang ganda ganda ng picture yun lang ang nakikita nila but they could not see behind the scene na nakikita namin. Kaya nga we will take a branch of whatever it is na ibinibigay ng social media pero ang ginagawa po namin ngayon we are only applying kung ano ang binigay sa amin ng board na mga entry and we are executing the law and in the long run the riding public will understand that the LTFRB is working for consumer’s protection in the mean time we are willing to take a branch hindi ho madali ang desisyong ito pero nakikita na po namin ang mga violations nila”. – Atty. Lizada
Ulat ni: Marinell Ochoa