Ilang Boy scout nagbigay suporta sa mga sundalo sa Marawi sa pamamagitan ng pagbibigay ng sulat at tsokolate
Apatnapung miyembro ng Boy Scouts of the Philippines sa Zamboanga ang nagbigay ng sulat at tsokolate sa mga sundalo bilang suporta sa laban nila kontra Maute-ISIS sa Marawi City.
Ang mga sulat at tsokolate ay nakolekta mula sa “Muchisimias Gracias Por Tu Servicio Program”.
Hangad ng programa na iparamdam ang suporta sa mga sundalong nalalagay ang buhay sa panganib para labanan ang mga terorista.
Layunin din ng programa na mahikayat ang buong bansa na magbigay respeto sa mga taong nagpapakita ng kabayanihan para maprotektahan ang ating bansa.
Personal namang inihatid ni WESMINCOM Chief Lieutenant General Carlito Galvez ang motivational art works sa mga sundalo.
Ulat ni: Lynn Shayne Fetizanan