Pangulong Duterte pinag-aaralang mabuti ang alok na maibalik sa gobyerno ang hinahabol na yaman ng mga Marcos ayon sa Malakanyang

Tiniyak ng Malakanyang na naaayon sa mga umiiral na batas ang paraang gagawin ni Pangulong Rodrigo Duterte para makuha ng gobyerno ang mga hinahabol na yaman ng pamilya Marcos.

Sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na may mga partidong nakikipag-usap kay Pangulong Duterte para makuha ang mga umano’y Marcos ill gotten wealth na matagal ng gustong kabawi ng pamahalaan.

Ayon kay Abella pinag-aaralang mabuti ng Pangulo kung papaano makukuha ang hinahabol na yaman ng mga Marcos para sa interes ng sambayanang pilipino.

Inihayag ni Abella sa sandaling magkaroon ng linaw ang isinasagawang proseso hindi ito itatago ng Malakanyang sa publiko.

Ang usapin sa ill gotten wealth ng mga Marcos ay muling uminit matapos banggitin ng Pangulo na handa na  ang pamilya Marcos ang bahagi ng hinahabol na umanoy ill gotten wealth.

Ulat ni: Vic Somintac

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *