Mga Dalian Trains na pinababalik sa China, hindi dumaan sa prototype approval ng DOTR

Hindi dumaan sa prototype approval ang mga Dalian trains kaya hindi naging akma na gamitin sa MRT-3.

Sa panayam ng DZEC Radyo Agila kay Department of Transportation o DOTR Undersecretary Cesar Chavez, bukod aniya sa hindi dumaan sa approval ang mga bagon, pinayagan ding dalhin sa Pilipinas ang mga bagon na walang signaling system at wala ring automatic train protection system.

Hindi rin aniya compatible ang mga bagon sa maintenance facilities at mas mabigat ito para sa kasalukuyang tracks ng MRT na maaari nitong ikasira.

“Eto ang nangyari kasi, yung prototype ay hindi nila in-approve, pinadala lang dito ng walang approval. Eh tutal pinadala nyo naman dito yan ng walang approval, minanufacture na nila at yung iba pang mga bagon. So yan ang isang malaking pagkakamali”.

Sinabi rin ni Chavez na hindi lamang Pilipinas ang nagkaroon ng hindi magandang karanasan sa pagbili ng mga bagon sa China dahil maging ang Singapore, Pakistan, Kuala Lumpur at Hongkong rin ay ibinalik ang mga binili nilang bagon sa China matapos matuklasang may depekto ang mga ito.

Pinag-aaralan na rin aniya ng kanilang legal division ang pagsasagawa ng imbestigasyon kung sino ang dapat managot sa pagbili ng nasa 3.8 bilyong pisong mga bagon.

 

 

 

 

 

 

Please follow and like us:

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *